LAOAG CITY, ILOCOS NORTE, Disyembre 14, 2021 – Tiniyak ni Kalihim ng Edukasyon Leonor Magtolis Briones sa mga lider-estudyante na uunahin ng ahensiya ang kanilang mga panukala at suhestiyon sa pagtugon sa mga hamon sa sektor ng edukasyon sa ginanap na Student Parliamentarians’ Virtual Town Hall Meeting via Microsoft Teams.
Sinabi ni Kalihim Briones na kaniyang ilalatag ang mga suhestiyon ng parlyamento ng mga mag-aaral sa angkop na mga opisina ng DepEd para sa kanilang konsiderasyon sa pagbuo ng mga polisiya at interbensyon para sa ikabubuti ng mga mag-aaral. “Itong resolusyon na ito ay i-pass on ko sa ating School Health Division, which works very closely with the Department of Health. Sang-ayon ako right now [sa proposals ninyo]. Maraming mga programa ngayon ang ini-initiate ng Department of Education (DepEd) kung saan tinutulungan ang teachers [at] ang kabataan [regarding their problems],” sabi ni Kalihim Briones. “All of you have to work on these problems with the help of course of your teachers, professional groups, your parents, and of faith groups. Everyone has problems, and you have to face them, and we will do everything we can do to help you,” dagdag niya. May temang, “Batas, Hustisya, at Karangalan: Kabataang Pilipino, may Makabayang Paninindihan Gamit ang Puso, Galing, at Talino”, ang birtuwal na forum ay naging plataporma rin ng mga mag-aaral upang ipakita ang iba pang polisiya sa edukasyon at mga panukala sa batas. Nagsilbi rin ang nasabing programa bilang isang open at participatory platform para sa mga mag-aaral upang magbahagi, magtulungan, at tukuyin ang mga kritikal na kakulangan sa kasalukuyang mga kalakaran at polisiya sa edukasyon. Nagpaunlak din ng ilang mga katanungan si Kalihim Briones mula sa mga lider-estudyante upang mas bigyang-diin ang mga inisyatiba at interbensyon ng Kagawaran sa pagtulong sa mga mag-aaral at mga guro. “Gusto ko lang i-emphasize na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong komunidad. Department of Education and Health are specifically mandated to provide certain services [to learners],” ani Kalihim Briones. Nagpahayag din ng iba’t ibang mga concerns ng mga kabataang Pilipino ang mga kalahok na mag-aaral upang masiguro na ang Kagawaran ng Edukasyon ay sapat na pinangangalagaan ang kanilang kapakanan at mga karapatan. Sa pamamagitan ng Office of the Undersecretary for Administration (OUA), pinangunahan ng Bureau of Learner Support Services – Youth Formation Division ang National Student Parliament 2021 sa pamamagitan ng OUA Memo 00-1121-0005. #SulongEduKalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo
0 Comments
Your comment will be posted after it is approved.
Leave a Reply. |
Archives
March 2022
Categories |